Wednesday, May 7, 2014

El Shaddai DWXI-PPFI Ministry

"Awit ng Pagtitiwala sa Diyos"
God Our Protector
(Salmo 91/Psalm 91)

1Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,
At nananatili sa kalinga niyong Makapangyarihan;
Whoever goes to the Lord for safety,
whoever remains under the protection of the Almighty,

2Makapagsasabi sa kanyang Panginoon: “Muog ka’t tahanan,
Ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”
can say to him,“You are my defender and protector.
You are my God; in you I trust.”

3Ikaw’y ililigtas niya sa panganib, sa umang na bitag,
At kahit ano mang mabigat na salot di ka magdaranas.
He will keep you safe from all hidden dangers
and from all deadly diseases.

4Lulukuban niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak,
Sa kalinga niya ay natitiyak mo na ikaw ay ligtas;
Iingatan niya’t ipagsasanggalang, pagkat siya’y tapat.
He will cover you with his wings;
you will be safe in his care;

5Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,
Maging sa gagawing biglaang paglusob pagsapit ng araw.
You need not fear any dangers at night
or sudden attacks during the day

6Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,
Di ka matatakot sa kasamaan mang araw kung dumating.
or the plagues that strike in the dark
or the evils that kill in daylight.

7Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao,
Sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo;
Di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.
A thousand may fall dead beside you,
ten thousand all around you,
but you will not be harmed.

8Ikaw’y nagmamasid at sa panonood iyong mamamasdan,
Yaong masasama ay makikita mong pinarurusahan.
You will look and see
how the wicked are punished.

9Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,
At ang pinili mong mag-iingat sa ’yo’y Kataas-taasan,
You have made the Lord your defender,
the Most High your protector,

10Di mo aabuting ikaw’y mapahamak, at walang daratal
Kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
and so no disaster will strike you,
no violence will come near your home.

11Susuguin niya ang maraming anghel, sila’ng susubaybay,
Kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan.
God will put his angels in charge of you
to protect you wherever you go.

12Sa kanilang palad ay itatayo ka’t, sila’ng magtataas
Nang hindi masaktan ang mga paa mo sa batong matalas.
They will hold you up with their hands
to keep you from hurting your feet on the stones.

13Kahit ang tapakan mo ay mga leon, ahas na mabagsik,
Di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis.
You will trample down lions and snakes,
fierce lions and poisonous snakes.

14Ang sabi ng Diyos, “Aking ililigtas ang tapat sa akin,
At iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin.
God says, “I will save those who love me
and will protect those who acknowledge me as Lord.

15Pag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan,
Aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan;
Aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
When they call to me, I will answer them;
when they are in trouble, I will be with them.
I will rescue them and honor them.

16Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay,
At nakatitiyak na ang tatamuhin nila’y kaligtasan!”
I will reward them with long life;
I will save them.”
Says the LORD.